Tag Archives: Baguio Market

Cambodian Atis

atis

I found this fruit on a market stall during my exotic fruit hunting in Baguio City market last week. From a distance the thing looked more like a scaly ball of a fruit. A few meters less it looked like a giant atis. And indeed it was. Its a cambodian atis. I bought one for a number of reasons. First because I was curious. Second I was on the height of my adventurism for exotic fruit. And third becaue I love eating atis – the local atis.

atis2I could not eat the fruit immediately so I have to wait for it to ripen. Every now and then I get to pinch it here and there. Hoping it would hasten its maturity. Yesterday I have observed the fruit has turned yellow and tender – a go-signal to open and eat the fruit.

Surprisingly its skin is so thick and leathery. I put so much pressure on it out of excitement that my fingers ended up burrowed deep into the fruit. It ended up mangled. Its taste is also as disappointing as the leather skin and my burrowed fingers. It was milky and sour. Well at least I get to try it. There’s still going to be more to discover.

Internet, Jets at Panic Buying sa Bagyo

Habang isinusulat ko itong blog ay uma-aligid na naman ang mga chopper dito sa Baguio. Kanina pa yan sila. Paminsan minsan ay may mga jets din. Siguro ay nag lalanding sa matagal nang sarado sa commercial flights, na Baguio Airport.

Kanina din lang ay bumalik ang internet connection na nawala simula gabi ng Biyernes. Sa kasagsagan ng malaki at malakas na bagyo ay malakas ang internet. Akala ko ay walang patid at walang humpay ang internet.Invincible. Basahin nyo aking naunang blog.   Yun pala, dalawang araw kaming nawalan ng linya sa himpapawid.

Sabi ng kaibigan ko na ka chat ko kani-kanina lamang sa facebook. (Sa facebook talaga dito ako naunang nakasagap ng mga bali-balita. Ako yung tipong tao na nag-boycott na sa kawalan ng katotohanan na bagama’t hindi na naaayon sa etiko ng mga tunay na mananaliksik ang media lalao na sa ABS-CBN.) Sampung litro na lang daw ng gasolina ang binibigay ng ibang estasyon ng gasolina. Pila pila ang mga bumibili ng gas pangluto. Ngayon ay sarado na daw ang petron sa may bandang BGH. At lahat ng gasolinahan. Hindi na nakabili ang mabuti kong kaibigan na si Dina. Kagabi ay kumain si Papa Edmar sa labas. Wala na daw manok. Manok pa naman ang paborito niya. Kagagaling nya sa baba. Dahil semestral break ay nagbakasyon. Isa sya sa daan-daang naglakad sa nasirang daan sa Marcos Highway para lamang maka-uwi sa Baguio. Sabi ko nga, “Hayy, Tito Edmar, ang saya naman ng lakad mo sana ay kumuha ka ng picture para may documentation naman.” Sabi niya eh nasira naman daw ang camera niya. Bukas papasok ako at pagbalik ng mga kasama ko magtanung tanung din ako sa adventure nila. Sabi din ng isa kung housemate dito. Sarado na ang KFC sa Session Road mga 1900H pa lamang kahapon.

Habang sinusulat ko ito ay uma-aligid na naman ang mga chopper at jets. Kaya paminsan minsan ay napuputol ang pagsusulat at pag-iisip para tumakbo sa labas at tumingin sa himpapawid. Nakakahingal. At nakakainis din ng malaki at makapal na ulap. Naku gustong gusto ko talagang sumakay ng eroplano. (Next week na naman, yehey!) Nakasakay din ako ng huey. Proud akong isipin na siguro isa dun sa mga piloto ng chopper mga naging estudyante ko. Mabuti pa sila. Bibili din ako ng chopper or private jet ko. At aaralin ko ring maging piloto sa sarili kong sasakyan.

Ayon kakapagod tumakbo palabas at pabalik. Nakalimutan ko tuloy kung ano pang dapat kung isulat.

Kanina nagising ako sa text message ni Mika. Tanung siya kung may internet connection ako. Reply ako na wala. Ikaw? Wala din daw siya. Pareho kami two days na at buong Baguio daw walang internet connection.  Binuksan ko ang internet ko mga ilang minuto nagbakasali. At last!

Finally, may internet connection na. Ganun din ang mga status message ng mga ka facebook ko na taga Baguio. At tsaka ko nalang din nalaman na may panic buying. Yun din ang sabi ng media sa tv. Ano pa. Dalawang araw na akong tini-text ng Auntie ko. At ngayon ay tinatanong kung may stocks ako ng pagkain. Yung media talaga! Sige na nga. Punta na rin lang ako sa market. Yun din naman ang plano ko kagabi. Mag tingin tingin ng exotic fruits.

Sumakay ako ng taxi. Nakalimutan ko na dapat ay mag jeep pala ako para maka-ipon at para naman kahit papano ay makatulong kay mother nature. Pero anjan na yung taxi at gusto kung kumain ng jollibee pancake. Mga 1030H na eh hangang 1100H lang ang pancake.

Tinanong ko si Mamang driver kung sarado pa ang mga main roads paakyat at palabas ng Baguio. Sabi niya malamang ay medyo matagal pa ma repair ang Marcos Highway dahil malaki ang pinsala nito. Maraming mga turista ang nadaanan namin. Paano kaya sila makauwi? Siguro ay maglalakad ang mga ito. Totoo din pala ang nasa facebook may mga turista na na stranded.

Kumain ako sa jollibee ng pancake. Na guilty ako sa plastic at styro na kinainan ko at ang magiging kontribusyon ko sa pagkasira ng kalikasan. Bakit kaya hindi man lamang maisip ng jollibee na gumamit ng ibang lagyanan na hindi nakakasira kay mother earth. Ang jollibee talaga kulang sa environmental consciousness! Bibili pa kaya ako ng stocks ng jollibee?

Dumaan ako sa SM supermarket. Ang daming tao. Normally hindi ganyan. Dumaan lang ako. Ayaw kung pumasok na maraming tao. Ayaw ko ring gumastos na di oras. Picture-an ko kaya para pang blog. Hwag nalang. Pababa ako ng Session Road papuntang market. Patingin tingin sa mga nagtitinda ng mga newspaper. Gusto kong bumili para maghanap ako ng trabaho. May classified ads po ba Manang? Puro bagyo at pinsala at mga namatay ang nasa headline. Mga more than 200 pala ang namatay dito dahil sa bagyo. Marami ang nag evacuate kaya pala nanghingi ng mga donation ang mga SLU students para sa kanilang mga evacuees. Masaya naman ako na ibinigay ang mga hinanda kong mga damit at sapatos. Pero syempre kulang lang yun na tulong. Hindi na lang ako bumili ng newspaper. Sa internet nalang ako mag browse. IT era na ito eh. At sayang lang yung paper. Ilang kahoy kaya ang pinutol para doon.

Pagka daan ko sa may Pizza Volante. Nakita ko na naman si Manong. Siya yung sinulat ko dati. Buhay pa pala si Manong. Pinagdasal ko siya noong kasagsagan ng Bagyo. Pero ngayon na nakita ko siya sa Session Road na nakaupong tulad ng nakagawian niya at namumulubi, nalungkot ako. Nalungkot ako kasi naaawa ako sa kanya. Nalungkot ako dahil ilang bagyo at init ng araw siya ay nakahandusay sa daan na parang walang nagmamahal. Gusto pa ba talaga ni Manong na mabuhay o kaya napilitan lang siya? Naisip ko gusto kung katayin ang mga mahal niya sa buhay na nagkaladkad sa kanya dito sa daan. Ano kaya si Manong noong bata pa siya? Siya ba ay may mga tinatagong kasalanan at binabayaran niya ang mga ito sa pamamagitan ng pag-upo sa Session Road bumagyo man o umaraw? Sana hindi. Sana Lord, kaaawaan niyo naman siya.

Pagdating ko sa market. Walang gaanong paninda. Hindi tulad ng dati at sariwa at masagana ang mga paninda. Syempre nakakita na naman ako ng exotic fruit. Binili ko at kakainin ko pag hinog na. Bumili din ako ng lettuce na pagka mahal.  Sana lang makarma si Manong. Sumakay din sya sa panahon ah.

Totoo pala na may panic buying dito sa Baguio. Naki-usyoso ako at syempre bumili narin. Sana marami tayong matotohan sa leksiyon ng mga bagyong dumaan. Sana.

Sana nga lang.